TACLOBAN CITY – Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nangyaring salpukan ng tatlong sasakyan sa Paranas, Samar na nagresulta ng apat na sundalong namatay at pito naman ang nasugatan.
Ayon kay Pol. Col. Andre Dizon, Provincial Director ng Samar Police Provincial Office (SPPO), isinailalim na sa eksaminasyon ang driver ng wing van na si Elvin Brillanes, na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin nang mangyari ang insidente.
Ayon rin sa inisyal na imbestigasyon, biyahe papuntang Catbalogan City ang nasabing wing van nang bumangga ito sa tricycle na nasa harap nito rason para mapunta ito sa kabilang linya na naging dahilan naman para bumungga ito sa nakasalubong na Toyota hilux kung saan lulan ang pitong mga sundalo mula sa 801st Brigade na nakabase sa Hinabangan Samar.
Matapos na bumangga sa dalawang sasakyan ay dumiretso pa ang nasabing wing van sa isang bahay na nakapagdulot rin ng pinsala.
Pabalik na sana di umano ang mga ito sa kanilang headquarters nang mangyari ang aksidente.
Sa ngayon ay patuloy namang ginagamot ang pitong nasugatan kasama na ang mga pasahero ng tricycle at driver nito gayundin ang dalawang sundalo.