-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nalagutan agad ng kanyang buhay ang isang family driver matapos itong pinalo sa ulo at pinutulan ng ari ng kanyang amo sa Brgy. Tacunan, Tugbok District nitong lungsod.

Nakilala ang biktima na si Danilo Aranzo Ang , 51-anyos residente ng Sitio Sto Niño, Tugbok District nitong lungsod samantalang ang amo nito ay nakilalang si Alexander Taglucop , 51-anyos.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Tugbok PNP, bigla na lamang umanong pinalo sa ulo ng suspek ang biktima ng dumating ito sa kanilang bahay kasama ang amo na babae.

Sinasabing nawala ng malay ang biktima at dali itong tinali ng suspek at hinubaran ng pantalon saka pinutulan ng ari gamit ang kutsilyo.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga personahe ng central 911 at isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang biktima ngunit nalagutan ito ng kanyang bahay.

Nasampahan na ngayon nga kasong murder si Alexander at kasalukuyang nakakulong sa Tugbok Police station.

Narekober naman sa crime scene ang kutsilyo na ginamit sa krimen at brick na siyang ipinalo ng suspek sa ulo ng biktima.