-- Advertisements --

CEBU CITY – Dinepensahan ni Boljoon, Cebu Mayor Merlou Derama ang driver ng mini dump truck na bumaligtad noong Biyernes at nagsanhi ng pagkamatay ng siyam nitong sakay.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ng alkalde na na hindi totoong nakainom ng alak ang driver na si Danilo Neiri.

Imposible raw kasing uminom ito lalo na’t alam nito na mga estudyante ang kanilang ihahatid gamit ang bago pang sasakyan.

Sa ngayon nakaburol na sa gymnasium ng bayan ang labi ng walong estudyante at isang magulang na nasawi sa aksidente.

Tiniyak naman ni Derama na tututukan nila ang pagbibigay ng tulong sa mga naulila, gayundin sa imbestigasyon ng kaso.

Magbibigay din umano ng medical assistance Cebu Provincial Government sa iba pang sugatang biktima.