-- Advertisements --

Umani nang papuri ang isang driver ng bus sa Italy matapos na mailigtas nito ang 25 school children na sakay nito sa nasusunog na bus.

Pawang may edad 14 hanggang 16 ang mga bata na patungo sana sa isang summer camp ng magkasunog ang sinakyan nilang bus sa isang tunnel sa Milan.

Isa-isang inilaba ng driver ang mga bata sa nasusunog na bus hanggang dumating ang mga bumbero at inapula ang apoy.

Nanguna si Lombardy region president Attilio Fontana sa pagpuri sa matapag na driver.