-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng kasong double homicide,multiple physical injuries at damaged to properties ang trailer truck driver na unang binangga ng pick-up vehicle sa kahabaan ng El Salvador City,Misamis Oriental.

Kasunod ito nang pagkasawi ng dalawa sa limang mga biktima na sakay ng pick-up vehicle na pawang mga menor de edad na lahat nagmula sa Iligan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na bata sa paunang imbestigasyon,nag-overtake umano ang mga biktima habang papunta sa direksyon ng Cagayan de Oro dahilan nasalubong nila ang trak na mayroong karga na container van.

Sa lakas ng impact ng aksidente, dead on the spot ang drayber na menor de edad at isa pang kasamahan nito habang ang tatlo ay mabilis dinala sa magkaibang pagamutan nitong syudad.

Salaysay naman ng drayber na si Ernie Apor na malayo pa lang ay namalayan na nito ang nasabing sasakyan subalit hindi inaakala na sa kanya babangga at hirap ng maisawan sapagkat mabigat at malaking uri ng unit ng minamaneho.

Bagamat siya ang binangga subalit sa mata ng batas kailangang ito ang ma-kustodiya dahil mayroong mga buhay ang nasawi at nalagay sa alanganin.