Kinahaharap ngayon ng LTO ang malaking problema sa backlogs ng driver’s license card na umabot na ng 234,149 hanggang nitong Mayo 2.
Ang Region 4A ang may pinakamataas na bilang ng backlog na umabot ng 47,125 at sumunod naman dito ay ang Region 3 na may 38,728 backlog.
Sa darating na Mayo 24, sisimulan na umano ang bidding para sa karagdagang driver’s license cards na kabibilangan ng pitong kompanya.
Nasa halos P240 milyon raw ang pondo nakalaan sa nasabing proyekto.
Tiniyak naman ni LTO Chief Jay Art Tugade na sa susunod na taon ay mas dadagdagan ng ahensya ang bilang ng driver’s license na bibilihin.
Kung maaalala bilang pansamantalang solusyon sa kakulangan ng plastic driver’s license card kay nagkaroon ng extension ang validity ng mga lisensyang nag expire mula noong Abril 24, ito ay magtatagal hanggang Oktubre 31.
Dagdag pa rito ay planong maglunsad ng ahensya kasama ang DICT ng digital driver’s license.