Nag anunsyo ang Land Transportation Office ng validity extension ng mga driver’s license na mag eexpire simula Abril 24, ito ay tatanggal na hanggang Oktubre 31.
Kaugnay parin ito ng isyu tungkol sa paubos na supply ng drivers license card at pagkakaroon ng temporaryong lisensya na iiimprinta sa papel.
Ayon pa kay Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade, patuloy naman umano ang kanilang pakikipag ugnayan sa Department of Transportation patungkol sa procurement nitong drivers license card.
Umaasa rin daw sila na agad itong mabibigyang solusyon nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng taumbayan.
Kung matatandaan, nagpaliwanag ang Land Transportation Office na hindi na nila hawak ang procurement nitong license card sa bisa ng special order ng Department of Transportation kung saan lahat ng 50 million and above na transaction ay ipoproseso na sa central office nito.
Halos 30,000 umano ang transaksyon sa kada ng Land Transportation Office kaya naman hindi na raw tatagal ang natitirang supply na license card.
Ang solusyon ng ahensya dito ay ang pag imprinta na lamang sa papel na mayroong kakaibang QR code upang hindi mapeke at maberipika ang lisensya.