Sinuspendi ng korte sa New York state ang drivers license ng singer na si Justin Timberlake.
Ito ay matapos na siya naghain ng guilty plea dahil sa pagmamaneho habang lasing.
Inaresto ang pop star noong Hunyo 18 dahil sa pagbalewala ng traffic lights at hindi tuwid na pagmamaneho.
Dumalo ang 43-anyos ng virtual sa hearing dahil ito ay nasa Europe para sa sa kaniyang concert tour.
Pormal na itong sinampahan ng kaso sa Sag Harbor, New York.
Dito ay binasa ni Sag Harbor Village Justice Justice Carl Irace ang pagsuspendi ng drivers license ng singer ng hindi nagbibigay ng petsa kung hanggang kailan matatapos.
Ang pagsuspendi aniya ng drivers license at standard procedure sa mga naarestong nagmamaneho ng nakainom.
Una ng nabigo ang 10-time Grammy winner na dumalo sa pagdinig ng kaniyang kaso noong nakaraang linggo dahil sa abala ito sa concerts kaya nagtakda muli ang korte ng panibagong petsa ng pagdinig sa kaso nito.