DAVAO CITY – Nakaranas na ngayon kakulangan ng oxygen supply ang Davao Regional Medical Center sa lungsod ng Tagum, Davao del Norte.
Humihingi ngayon ng pang-unawa sa publiko ang DRMC patungkol sa sitwasyon ngayon sa ospital.
Tiniyak naman nila na kanilang tutulongan na malipat sa ibang mga ospital ang COVID at non-COVID patients na nangangailangan ng atensyong medikal.
Ayon pa kay DRMC Chief of Clinics Dr. Rodel Flores, na umabot na sa 450 cylinders ng oxygen bawat araw ang demand ng ospital, base sa dami ng mga pasyente.
Ngunit hindi umano kaya ng supplier ang nasabiong demand dahil nasa 200-250 cylinders lamang bawat araw ang kaya nilang i-sustento
Naghahanap na lang muna ng oxygen mula sa ibang ward at department ang DRMC para lamang hindi maapektohan ang pangangailangan ng mga pasyente lalo na ang mga naka-intubate o naka-tubo na mga pasyente.
Humihingi na rin sila ng tulong sa Regional IATF para agad na maaksiyon ang kanilang pangangailangan.