-- Advertisements --
Hindi na umano nanggaling sa China ang mga nakukumpiskang droga sa Pilipinas.
Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino, nagmula na sa tinatawag na Golden Triangle drug syndicate ang drogang naibebenta sa bansa.
Nag-o-operate raw ang mga ito sa borders ng Myanmar, Laos at Cambodia.
Umaabot pa aniya sa Australia, US at Europe ang nasabing operasyon ng grupo.
Nililinlang daw ng grupo ang mga otoridad sa pamamagitan na pagbabalot ng Chinese tea bags ang droga para pagmukhain na galing sa China ang nasabing mga droga.