May malaking epekto umano sa Pilipinas ang naganap na pag-atake sa oil facilities ng Saudi Arabia.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr., maaaring makaranas ng kakulangan ng suplay ng langis at pagtaas ng presyo dahil sa pangyayari sa kompaniyang Saudi Aramco.
Iginiit pa ng kalihim, walang maitutulong sa bansa kung ideklara ang state of emergency dahil sa insidente.
“This is serious. It will—not could—affect us deeply; to put it bluntly, an oil shortage or steep rise in oil price will rock the Philippine boat & tip it over. So everybody shut the fuck up and focus. No more clowns. Declaring state of emergency won’t save our economy but kill it,” ani Locsin sa kanyang social media account.
Una nang tinarget umano ng mga Huthi rebels ang dalawang oil facilities ng Saudi Arabia na nagsu-supply ng 5% sa buong mundo.