-- Advertisements --
Abha International Airport
Abha International Airport

Sugatan ang siyam na katao sa drone attack sa Abha International Airport.

Ayon sa Saudi-led coalition na lumalaban sa mga rebelde na malaki ang paniniwala na sangkot ang Iran sa nasabing atake.

Binubuo ng walong Saudis at isang Indian national ang nasabing nasugatan.

Sinabi naman ni Saudi-led coalition spokesman Turki al-Malki na patuloy ang Houthi militia na tinatarget ang mga sibilyan kung saan nagpapatunay na sangkot talaga ang Iran.

Ito na ang pangalawang beses na pag-atake dahil noong nakaraang taon ay 26 ang nasugatan sa Houthi missile na tumama sa arrival hall ng parehas din na paliparan.