-- Advertisements --

Ilang oras matapos kumpirmahin ang pagkakapatay kay Hamas leader Yahya Sinwar, isinapubliko ng Israeli Defense Forces ang isang drone video na nagpapakita ng mga huling sandali ni Sinwar.

Sa ibinahaging footage, makikita ang isang indibidwal na nakaupo sa isang palapag ng nasirang gusali sa Southern Gaza na tinukoy ng IDF na si Sinwar bagamat nababalot ng tela ang kaniyang mukha at balot din ng alikabok ang kaniyang katawan bunsod ng pag-atake.

Posibleng nasugatan at naputulan ito ng kanang kamay dahil bagamat nanghihina na, nakuhanan itong ginamit ang kaniyang kaliwang kamay para itapon ang isang mahabang bagay para itaboy ang drone nang kaniya itong makita.

Ang pagkakapatay nga kay Sinwar ayon sa Israeli officilas ay bunga ng mahigit isang taong intensive manhunt operation matapos madamay sa ikinasang gun battle ng Israeli forces noong Miyerkules.