-- Advertisements --
Patuloy ang pagsasagawa ng monitoring ng Disaster Risk Reduction and Management Offices katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay sa mga river channels sa probinsya dahil sa walang humpay na mga pag-ulan.
Umiiral kasi ang shearline na labis na nakakaapekto sa ilang lugar sa Bicol Region.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Daraga DRRMO, nagsasagawa sila ng pagbabantay sa Budiao Road, Busay-Cagsawa Bridge, Duterte-Kilikao, at Maroroy Spillway.
Paliwanag ng DRRMO, tuwing may mga pag-ulan ay kailangang bantayan ang mga kailugan dahil kritikal ito ay posibleng magdulot ng mga pagbaha.
Binabantayan naman ng Camalig MDRRMO ang lebel ng tubig sa river channels na nakakonekta sa Mayon Volcano.