-- Advertisements --

ibinasura ng korte sa Makati ang kasong isinampang may kaugnayan sa iligal na droga laban sa rapper na si Loonie at mga kasamahan nito.

Sa ibinabang order ni Judge Gina Bibat-Palamos ng Makati Regional Trial Court Branch 64 ay pinagbigyan nito ang hiling ng kampo ng rapper na ibasura na lamang ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Nakita rin ng korte na nabigo ang mga kapulisan na tumugon sa chain of custody rule.

Wala rin aniyang presensiya ng mga public officials noong isagawa ang buy-bust operations.

Ang rapper na si Marlon Peroramas sa tunay na buhay ay naaresto noong Setyembre 2019 sa isang hotel sa Makati kung saan kasama nito ang kapatid na babae na kaniya ring manager na si Idyll.

Nakuha sa kustodiya ng mga ito ang 15 sachet na naglalaman ng kush o mga high-grade marijuana.