-- Advertisements --

Ibinasura ngayon ng korte sa La Union ang drug charges na isinampa laban kay Julian Ongpin na isinasangkot sa pagkamatay ng artist na si Bree Johnson.

Base sa desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng San Fernando City, La Union, naibasura ang naturang kaso dahil daw sa kakulangan ng probable cause.

Inilabas ni Presiding Judge Romeo Agacita Jr. ng San Fenando RTC Branch 27 ang ruling ngayong araw lamang, November 15, 2021.

Sinabi ni Agacita na bigong magprisinta ang prosekusyon ng sapat na ebidensiya para madiin si Ongpin.

Sin Ongpin, anak ni dating Trade secretary Roberto Ongpin ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11 of Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Siya ay “person of interest” sa pagkamatay ng Davao based artist na si Bree Johnson noong buwan ng Setyembre.

Ang nakababatang Ongpin ang huling kasama ng painter na si Jonson bago ito namatay sa La Union.

Natagpuan noon ng PNP ang 12 gramo ng cocaine sa hotel room na tinuluyan ng magkasintahan.

Ang dalawa ay positibo rin sa paggamit ng naturang droga.