Arestado ng mga tauhan ng Taguig City Police Station (TCPS) ang isang drug dealer kung saan nasabat sa posisyon nito ang nasa P4.8 million halaga ng shabu sa isinagawang drug operations sa Barangay South Signal bandang alas- 11:40 ng gabi kahapon, Miyerkules Jan. 22,2025.
Sa isang pahayag, kinilala ni Taguig City Police chief Col. Joey Goforth ang naarestong suspek na si Sherhana Hatae alias “Sherhana,” 33-anyos residente ng San Jose, Guadalupe, Makati City.
Binigyang-diin ni Col. Goforth na ang nasabing operasyon ay bahagi ng zero-tolerance policy ni Taguig City MAyor Lani Cayetano laban saa iligal na droga.
Sa kasagsagan ng operasyon, sinabi ni Goforth na naka rekober ang mga otoridad ng “3 knot-tied plastic bags” na naglalaman ng 708.5 grams ng shabu na may street value na P4,817,800.
“Our efforts are inspired by Mayor Lani’s zero-tolerance policy on drugs. We remain dedicated to making Taguig a drug-cleared city and ensuring a safe and secure environment for all Taguigeños,” pahayag ni Col. Goforth.
Sa kabilang dako, pinuri ni Mayor Lani ang Taguig City Police Station sa matagumpay na anti-drug operation.
“The police force’s unwavering commitment reflects our collective effort to protect our communities and provide a better future for every resident in our Transformative, Lively, and Caring Probinsyudad,” pahayag ni Mayor Lani.
Inihayag ng alkalde na ang matagumpay na operasyon sa iligal na droga ay patunay na seryoso ang pulisya labanan ang iligal na droga.
Kung maalala, nuong August 2024, nakamit ng Taguig City Police Station ang pagkilala sa 123rd Police Service Anniversary Celebration bilang National Winner, dahil sa pagkamit ng impressive record sa mahigit 1,700 drug-related arrests.
Kabilang dito ang pagkakahuli sa high-value targets, gaya ni Joel Tiñga na miyembro ng Tiñga drug syndicate.
Siya ay naaresto sa ikinasang buy-bust operations.