-- Advertisements --
images

Pinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court ang confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa sa kinakaharap nitong kaso na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act No.9516 o mas kilala bilang illegal Possession of Firearms and Explosives.

Nag-ugat ang kasong ito matapos isagawa ng Raid noong August 2016 sa resedensya ni Espinosa sa Sitio Tinago , Barangay Binulho sa Albuera ,Leyte.

Isa sa naging basehan ng naturang korte sa kanilang  desisyon ang ginawang pag bawi ni Marcelo Adorco’s sa kanyang testimonya laban kay Espinosa.

Si Adorco ay dating bodyguard at driver ni ng ama ni Kerwin Espinosa na si dating Mayor Rolando Espinosa.

Batay sa kanyang Affidavit of Recantation,siya ay pinilit at tinakot lamang ng mga kinauukulan ng pirmahan ang kanyang unang naging pahayag.

Paliwanag ng korte, ang mga nakuhang baril at mga pampasabog ay mula sa bahay ni Mayor Espinosa at walang kinalaman dito ang kanyang anak na si Kerwin Espinosa.

Dagdag pa ng korte, kahit hindi naghain ng Recantation si Adorco ay nabigo pa rin ang prosecution na patunayang guilty ang akusadong si Rolan Espinosa o Kerwin Espinosa.

Kung maaalala, wala si Espinosa sa bansa ng isagawa ang raid sa kanilang residensya.

Batay sa record ng korte, umalis si Kerwin kasama ang kanyang pamilya sa bansa noong June 21,2016 at nagtungo ito sa Malaysia, Hong Kong at Abu dhabi.

Siya ay naaresto ng mga awtoridad sa Dubai noong October 17 parehong taon at nadeport pa balik ng Pilipinas noong November 16, 2016.

Samantala, ang naging desisyon ng korte sa kaso ni Kerwin Espinosa ay kinumpirma mismo ng kanyang abogado na si Atty. Raymund Palad.

Ayon kay Atty  Palad, nagrecant ang witness ng DOJ na si  Marcelino Adorco sa kasong Illegal Possession of Firearms and Explosives laban kay Kerwin Espinosa.

Aniya ,sinabi nito na siya mismo ang naglagay ng baril sa bahay ng ama ni Kerwin.