-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nalambat ng mga otoridad ang isang drug dealer sa probinsya ng Lanao del Sur.

Nakilala ang suspek nasi Mohammad Timan na residente ng Malabang, Lanao del Sur.

Inaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) kasama ang mga tauhan ng 5th Marine Battalion Landing Team at Regional Police Office-BARMM.

Narekober sa posisyon ng suspek ang P900,000 na halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

Ang suspek ay sangkot umano sa large scale illegal drug trade operation sa bayan ng Malabang, Marawi City, Maguindanao at ibang lugar sa Lanao del Sur.

Sa ngayon ay sinampahan na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.