CENTRAL MINDANAO-Isang High Value Target na Drug Dealer ang nakatakas sa inilunsad na anti-drug operation ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Ebrahim Samama, pugante ng North Cotabato District Jail (NCDJ) at residente ng Barangay Balacayon Pigcawayan North Cotabato.
Ayon sa ulat ng Pigcawayan PNP, naglunsad ng anti-drug operation ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) 34th Infantry Battalion Philippine Army at Cotabato PNP sa tahanan ng suspek.
Natunugan umano ni Samama ang raiding team kaya pinaputukan nito ang mga otoridad katuwang ang kanyang mga kasamahan.
Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig at agad namang umatras ang grupo ni Samama.
Narekober sa bahay ng suspek ang anim na motorsiklo,isang multicab,dalawang malalaking pakete ng shabu,(1) M16 armalite Rifle with M203 , (2) Rifle Grenade, (3) 40mm HE ammo, (1) Hand Grenade at (1) M16 Magazine (Short) loaded with Twenty (20) Ammunition at isang Handheld 2 way radio.
Ang suspek ay sangkot umano sa large scale illegal drug trade sa North Cotabato at Maguindanao.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek at mga tauhan nito.