CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang drug dealer nang manlaban sa pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Jacky Guimba alyas Datu Dipo,23 anyos,binata at residente ng Barangay Pamalian Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.
Ayon kay Kath Abad ang tagapagsalita ng PDEA-12 na nagsagawa sila ng buybust operation sa Barangay Salunayan Pikit Cotabato katuwang ang Midsayap PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Rolly Oranza.
Nang akto nang i-abot ng mga suspek ang droga sa asset ng PDEA ay natunugan nilang mga otoridad ang kanilang ka-transaksyon.
Bumunot ng baril si Guimba at nakipagbarilan sa mga pulis at PDEA Agent kaya itoy nasawi habang nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan.
Nakuha sa posisyon ni Guimba ang isang kalibre.45 na pistola,mga bala,isang magasin,isang mototsiklo, buybust money at shabu na nagkakahalaga ng 3.4 milyon pesos.
Sinabi ni Abad na si Guimba ay myembro umano ng isang Moro Front at sangkot sa illegal drug trade sa North Cotabato at Maguindanao.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga pulis at PDEA ang mga kasamahan ni Guimba.