-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang drug dealer nang manlaban sa mga otoridad sa inilunsad na anti-drug operation sa Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si Abdulhamid Bandal alyas Ken, residente ng Sitio Kakar Brgy Poblacion 8 Cotabato City.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na naglunsad sila ng drug buybust operation malapit sa tahanan ng suspek katuwang ang militar at pulisya.

Nang akma nang i-abot sa suspek ang droga sa isang PDEA-Agent natunugan nitong mga otoridad ang kanyang ka-transaksyon kaya bigla itong bumunot ng baril at nagpaputok.

Napilitan ang mga PDEA-Agents na paputukan si Bandal kaya itoy malubhang nasugatan.

Naisugod pa ang suspek sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa posisyon ni Bandal ang isang kalibre.45 na pistola,cellphone,mark money,mga bala,magazine,50 grams na shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 sa drug market value at mga personal na kagamitan.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng PDEA-BARMM ang kampanya kontra ilegal na droga sa Bangsamoro region.