-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ang mga kasong isasampa laban sa limang nga pinaghihinlaang drug personalities na nahuli matapos ang matagumpay na buy bust operations pasado alas-6:30 kagabi sa Purok 5, Octagon, Brgy. Bading sa lungsod ng Butuan.

Nagresulta ito sa pagkadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agusan del Norte at Agusan del Sur Provincial Offices sa isang drug den at pagkakahuli nina Erwin Lamparas; Roy Lamparas, Fidel Reyes, Domingo Ramos at isang menor-de-edad.

Nakuha din ng operating teams ang siyam na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng suspected shabu na tinatayang may timbang na 15-gramos, isang genuine na one thousand peso bill na syang ginamit na buy-bust money at isang P1,000 bill na boodle money, pitong walang laman na sachets na may residue ng suspected shabu, ilang mga drug paraphernalia, isang yunit ng keypad cellular phone, at isang yunit ng touchscreen cellular phone.

Kasama sa mga kasong inihanda laban sa kanila sa City Prosecutor’s Office ang paglapas sa sections 5 (Use of Dangerous Drugs), 6 (Maintaning Drug Den), 7 (Visiting Drug Den), 11 (Possession of Dangerous Drugs), at 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng RA 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayona kay PDEA-Caraga information officer Dindo Abellanosa, kanila ng isinailalim sa drug test ang mga nahuli habang pinasuri naman sa PNP Crime Laboratory ang nakuhang mga suspected shabu na syang gagamiting ebidensya sa kanilang ihahaing mga reklamo.