LA UNION – Nabuwag ang umano’y isang drug den sa Tubao, La Union matapos ang isinagawang joint operation ng PDEA-La Union, PDEA-Baguio, Tubao Police Station, at iba pang operating units sa Brgy. Teresa ng nasabing bayan nitong umaga ng Martes.
Arestado sa naturang operasyon ang anim na suspek kabilang ang isang High School Teacher na babae, nakilala sa pangalang Jocelyn Vergara, 47-anyos, at residente ng Hamada Subdivision, Baguio City.
Kabilang din sa mga inaresto sina: Michael Bulatao, 46, fruit vendor at nakatira sa Hamada Subdivision, Baguio City; Bong Joel Salvador, 37, unemployed at residente ng Bembo, Makati City; Roland Galera, 48, painter mula sa Brookside, Teachers Camp, Baguio City; Baby Boy Dennis Paguio, 47, nakatira sa Green Valley Village Brgy. Dongtogan Baguio City; at si Brendon Cables, 47, unemployed mula San Carlos Heights Baguio City.
Ang pagkakahuli sa mga suspek ay bunsod ng isinilbing search warrant na may petsang May 27, 2021 na inisyu ni Hon. Ethelwolda A. Jaravata, Presiding Judge ng RTC Br. 32, First Judicial Region, Agoo, La Union dahil sa kasong Violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.
Kinumpiska ng mga otoridad ang halos 20 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P136,000.00 kabilang ang iba’t ibang drug paraphernalia at isang weighing scale.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa tamang disposisyon.