Arestado ang anim na drug suspeks, matapos salakayin ng mga tauhan ng PDEA at PNP kahapon ang isang drug den sa Subic, Zambales kung saan nasabat ang nasa P102,000.00 halaga ng iligal na droga.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naarestong anim na drug suspeks na sina: Renato Galote, 54-anyos, tagapangalaga ng drug den; Alma Noble 46-anyos,Roxanne Manalo, 30-anyos,Phillip Escorton 38-anyos; Rey Eugenio, 33-anyos at Ener Monar, 47-anyos, kapwa residente ng bayan ng Subic.
Narekober sa drug operation ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng crystalline substance na umanoy shabu nasa 15 grams; ibat ibang drug paraphernalia; at buy-bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng PDEA region 3 ang anim na drug suspeks na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.