-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mga alituntunin na napapaloob sa Drug-free Workplace Policy (DFWP) na ipapatupad ng pamahalaang panlalawigan sa probinsya ng Cotabato, masusing tinalakay ng komitiba sa isinagawang Drug-free Workplace Committee Meeting sa Cotabato Government Employees Association (COTGEM) Office, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.

Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na maipatupad ng maayos ang naturang programa upang mas tumaas pa ang kredibilidad ng mga tanggapan ng gobyerno at matiyak ang magandang kalusugan ng mga manggagawa.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Provincial Legal Officer Atty. John Haye Deluvio, Vice Chairperson – Committee on Drug-free Workplace at kinatawan ni Gov. Mendoza, sa kanyang mensahe binigyan diin nito ang kahalagahan ng pagsasapinal ng mga alituntunin ng DFWP upang matagumpay na maisakatuparan ang tunay na adhikain ng naturang programa.

Ilan sa mga alituntunin ng DFWP na masusing tinalakay ay ang mga sumusunod: definition of terms, composition ng drug-free workplace committee, responsibility of the provincial government, guidelines in the conduct of authorized drug testing, pagpapalakas ng awareness campaign hinggil dito at marami pang iba.

Kasama rin sa nasabing pagpupulong sina Philippine National Police Provincial Director PCol Harold S. Ramos, Integrated Provincial Health Officer Eva C. Rabaya, Cotabato Government Employees Association (COTGEM) President Joey Divinagracia, mga representante mula sa Department of the Interior and Local Government, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at mga representante mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang panlalawigan.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office.