MANILA – Inamin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng nakatakas palabas ng Pilipinas ang suspected drug lord na si Peter Lim.
“Nawawala na rin ito (Lim) at ang tingin natin, nakalabas ng country. Ito iyong mga sinasabi natin na talagang directly connected to our national security,” ani Interior Sec. Eduardo Año sa panayam ng Teleradyo.
Kabilang si Lim sa mga kinasuhan ng Department of Justice noong 2018 dahil sa pakikipagsabwatan sa bentahan ng iligal na droga.
Matagal nang nagtatago si Lim, kaya nagpataw ng P500,000 na pabuya ang pamahalaan para sa kanyang pagkaka-aresto.
Bukod dito, dawit din ang negosyante sa pagsu-supply umano ng 90-kilo ng shabu sa “Espinosa drug group” mula 2013 hanggang 2015.
Sa ngayon patuloy daw na sinisikap ng mga otoridad na mahanap ang pinagtataguan ni Lim, pati ng iba pang malalaking drug syndicate.