Natukoy na umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kanino at saan kinukuha ng teroristang Maute ISIS ang kanilang napakalaking pondo na siyang ginamit sa pagsakop sa buong siyudad ng Marawi.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano na batay sa kanilang isinagawang malalimang imbestigasyon at batay na rin mismo sa kanilang intelligence report na drug money ang ginagamit na pondo ng mga teroristang Maute.
Sinabi ni Ano matindi ang ginawa nilang pag-aaral, pag analisa at pag evaluate sa mga impormasyong nakuha at lumabas na mula sa drugs ang bulto bultong pera na ginagamit ng Maute.
“Iba yung report ng PNP, when we tried to dig up everything information about this how the Maute ISIS got this enormous money in doing this rebellion, part of that funds are from drugs,” pahayag ni AFP chief Ano.
Banggit pa ni Ano na lumabas din sa kanilang intel report na isa ang napatay na si Mayor Reynaldo Parojinog ng Ozamiz ang nag pondo sa Marawi siege.
Tumanggi naman si chief of staff pangalanan kung sinu sino pang mga local government officials sa Lanao del Sur ang kabilang sa drug matrix ng Pangulong Rodrigo Duterte.