-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nabuwag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang drug den at nahuli ang limang indibidwal kasama na ang mag live-in partners na iilang linggo pa lamang nakalabas ng City Jail matapos nag plea bargaining sa kaso ng Illegal drugs.

Ayon kay PDEA 12 Director Naravy Duquiatan na kanilang sinusundan ang kilos ng mga suspek na sina Maria Angelica Villanueva alias dakdak 42 kasama si Judimar Laiman 45 mga residente ng Upper Banualan, Tambler nitong lungsod matapos nakalabas ng kulungan sa kaso sa paglabag ng comrehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Ayon kay Duquiatan ang dalawa ang nagpatakbo ng drug den kung saa nahuli ang tatlong parokyano na sina Jumuel Medico , 25 , Jojo Calayon, 25, ug Shellamae Calayon 20 mga residente nitong lungsod.

Nakuha ng mga otoridad ang 2 medium sachet at 3 small sachet na pinagdudahgn shabu na may market value na Php 74,800.00 pati mga drug paraphernalia.