-- Advertisements --

Davao City – Dead on arrival sa ospital ang isang drug personality matapos uamanong manglaban sa mga operatiba sa isang drug buybust operation dakong hapon sa San Pedro Police Station.

Kinilala ang napatay na si alyas ” Balong” 42-anyos, walang trabaho at residente sa Brgy.19-B nitong lungsod.

Ayon sa mga otoridad, una ng nabilihan ang nasabing suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu, at nang arestuhin umano ito biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga ito,buti nalang hindi umano natamaan, at ginantihan ang suspek na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober ng rumespondeng SOCO sa crime scene ang .38 revolver na pagmamay-ari ng suspek na walang serial no.,bullet slugs, cellphone at iligal na droga na hinihinalang shabu na may estimated street value na P16,000.