CENTRAL MINDANAO-Walang katotohanan na dating Pari ang nahuling drug pusher sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si John Baring Ferolin,42 anyos at nakatira sa Barangay Lower Katingawan Midsayap North Cotabato.
Ayon kay Matalam Chief of Police,Major Joseph Brian Placer na nahuli si Ferolin sa inilunsad nilang drug buybust operation sa public market ng Matalam Cotabato.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang pakete ng shabu,mark money at drug paraphernalia.
Nang hulin si Ferolin nagpakilala itong dating Pari ng Mission Society of the Philippines.
Sinabi ni Father Jonathan Germinanda, MSP superior, na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng isang pari o isang dating seminaryo na may ganitong pangalan at nalulungkot siya dahil nakaladkad ang kanilang organisasyon.
Ang Catholic Directory of the Philippines, mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyang edisyon, ay walang naitalang pangalan ni Ferolin bilang isang ordained priest o bilang miyembro ng Mission Society of the Philippines (MSP).
Noong 2016, dinakip din si Ferolin para sa parehong pagkakasala at inaangkin na miyembro ng Salesians ng Don Bosco (SBD).
Gayunman, pinabulaanan ng mga Salesian si Ferolin bilang isang miyembro ng kongregasyong relihiyon.
Una rin na nagpakilala si Ferolin na isang pari sa ilalim ng priest of the Military Ordinariate of the Philippines ngunit pinabulaan rin ito na myembro nila ang suspek.