-- Advertisements --

Naniniwala ang Pambansang Pulisya na bababa ang mga drug related cases kapag ipinatupad na ang death penalty.

Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na malaking epekto at makakatulong ito sa kanilang kampanya kontra droga.

Sinabi ni Carlos na kanilang iminungkahi ang death penalty para sa mga drug offenders lalo na yung mga nasa high level.

Aalamin din ng PNP kung naging bahagi ang kanilang iminungkahing death penalty para sa mga high-level drug offenders.

Pag-aaralan din ng PNP ang IRR na ipapatupad sa death penalty lalo na ang magiging parte nito sa implementasyon.

Samantala, inihayag naman ni Carlos na dadaan pa ito sa senado at sasailalim ito sa proseso kaya’t kanilang aabangan ang progreso ukol dito.

Hindi naman masabi ni Carlos kung bababa din ang mga insidente ng krimen kapag tuluyan ng maisa batas ang death penalty.

Hindi naman masabi nito kung may pag-aaral na ginawa ang dati ang PNP kung bumaba ang krimen nuong ipinatupad ang death penalty sa bansa.