Aminado si Quezon City Police District (QCPD) Director, CSupt. Guillermo Eleazar na ang pagtaas ng murder cases sa kaniyang areas of responsibility ay may kaugnayan sa drug-related deaths.
Sa panayam kay Eleazar kaniyang sinabi na talagang tumaas ang murder cases ngayon kung ikukumpara ito sa mga nakaraang taon.
Sinabi ni Eleazar na 100 percent sa bilang ng mga murder cases ay naitala mula July 2016 hanggang June 2017.
Sa kabuuan bilang ng crime incidents mula July 2016 hanggang June 2017 ay umabot sa 5,658 kung saan bumaba ito ng 37.27 percent kung ikukumpara nuong nakaraang taon na umabot ng 9,020 cases.
Ayon sa opisyal sa walong focus crimes na kanilang tinututukan gaya ng murder, homicide, robbery, theft, carnapping, motorcycle theft, physical injuries at rape, tanging ang murder cases lamang tumaas.
Sa kaso ng carnapping nasa 75.31 percent ang ibinaba nito, sinundan ng motorcycle theft na nasa 52.17 percent ang ibinaba; homicide nasa 51.06 percent ang ibinaba.