-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang kinokonsidera bilang drug supplier sa iba’t ibang bayan sa Camarines Sur matapos manlaban umano sa mga otoridad sa anti-illegal drug operation sa Bagumbayan Sur, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Alejo Dayto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Senior Master Sergeant Tobby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong una nang ipinasailalim sa operation si Dayto ngunit matapos ang transaskyon, bumunot ito ng caliber 45 na baril at nagpaputok dahil para gumanti ang mga otoridad.

Tinamaan sa katawan si Dayto na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nabatid na si Dayto ang pangatlo sa drug target list ng Camarines Sur habang kinokonsidera rin ito bilang supplier ng iligal na droga sa mga bayan ng Canaman, Bombon, Tinambac, Calabanga at sa lungsod ng Naga.