-- Advertisements --
BAGUIO CITY-Aabot na sa 2,512 ang drug surrenderees sa Baguio City mula nang naumpisahan ang war on drugs ng Duterte Administration.
Ayon kay Lt. Col. Armando Gapuz, pinuno ng Police Community Relations Office ng Baguio City Police Office, mayroon na rin 402 na drug suspects ang nahuli o naaresto sa lungsod mula noong Hulyo 2016.
Aniya, mula sa nasabing bilang ay 328 ang drug pushers habang 74 ang drug users.
Batay sa listahan, boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang 372 na drug pushers at 2, 140 na drug users sa Baguio City.
Tiniyak ni Gapuz na ipagpapatuloy ng BCPO ang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga, alinsunod sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.