-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang drug suspect nang manlaban sa pulisya sa Cotabato City.

Nakilala ang nasawi na si Sammy Sanday, dating Cafgu at residente ng Purok Tukananes Barangay Poblacion 7 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na nagsagawa sila ng drug buybust operation malapit sa tahanan ng suspek ngunit natunugan nito na mga pulis ang kanyang ka-transakyon kaya itoy nanlaban.

Napilitan ang mga otoridad na paputukan si Sanday kaya itoy nasawi.

Narekober sa suspewk ang isang Uzi sub-machine pistol, mga bala, magazine at ilang pakete ng shabu.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Cotabato City PNP ang kampanya kontra pinagbabawal na droga.