-- Advertisements --

Patay ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy bust operations kaninang alas-4:15 ng umaga June 3, 2018 sa may Barangay Cotta, Lucena City.

Kinilala ng bagong talagang regional police director ng Calabarzon na si CSupt. Edward Carranza ang suspek na si Dom Ibanez.

Sinabi ni Caranza, nanlaban ang suspek na naging dahilan para magkaroon ng enkwentro sa pagitan ng mga pulis at suspek.

Nabaril patay ng mga police operatives ang suspek na si Ibanez.

Nakuha sa kaniyang posisyon isang piraso ng HSTPS na naglalaman ng shabu na may market value na P1,000.00; marked money at isang caliber .38 revolver.