-- Advertisements --
Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na isang sindikato ng droga ang nasa likod ng pananambang noong Pebrero 17 sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr.
Sinabi ng pulisya na tinututukan nila ngayon ang pitong suspek na umano’y miyembro ng isang sindikato ng droga.
Dagdag pa ng pulisya, binaril ng grupo ang convoy ni Adiong na posibleng dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga.
Noong Pebrero 17, matatandaan na sinira ng mga awtoridad ang P5 milyong halaga ng marijuana sa isang plantation sa bayan ng Maguing.
Noong araw ding iyon, inatake ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang convoy ni Adiong sa Kalilangan, Bukidnon, at napatay ang apat sa kanyang mga kasama.