-- Advertisements --
DodongSinas
PNP chief Gen. Debold Sinas

Target ngayon ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) ang mga drug syndicates na may koneksiyon umano sa mga nakakulong na mga drug lords sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Kinumpirma ni PNP chief Gen. Debold Sinas sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo na tukoy na ng pambansang pulisya ang mga nasabing sindikato na target ngayon ng kanilang pinalakas na anti-illegal drug operation.

Sinabi ni Sinas, hindi nila hahayaan na mamamayagpag pa rin sa kanilang illegall drug trade ang mga nakakulong na drug lords.

Aniya, base sa monitoring ng PNP Anti-Cybercrime Group may mga nakakulong na drug lord ang nakakagamit pa rin ng cellpone at nakakatawag.

Ibinunyag ni Sinas, ang mga nakumpiska nilang cellphone sa anti-illegal drug operation sa Cebu at Cavite ay talagang makapagpapatunay daw na may illegal drug trade na nagaganap.

Sinabi ni Sinas ongoing ang kanilang effort sa mga nasabing sindikato dahil hindi raw nila hahayaan na magpapatuloy ang kanilang iligal na aktibidad.

Ibinunyag din ni chief PNP na base sa isinagawang forensic examination ng PNP Anti-Cybercrime sa mga nakumpiskang cellphone makikita na ang tinatawagan ng mga drug lord ay ang kanilang mga asawa at anak, kung saan lumalabas na “family business.”

Screenshot 2019 06 22 15 45 06

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang PNP sa Bureau of Corrections hinggil sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa mga drug lords na nakakulong sa iba’t ibang jail facilities sa buong bansa subalit malayang nakakagamit ng cellphone.

“Tuloy-tuloy ang montoring at kanilang tinitignan kung paano naka connect yung taga loob sa labas.. kung mapapansin niyo ang kinakausap nila ay yung mga asawa nila yun anak nila parang family business, ang tinatarget namin kung nasa loob sila dapat hindi sila maka contact sa labas, gaya itong si Natividad na nasa San Ramon at naka contact sa Cebu ibig sabihin malakas talaga ang cellphone na kaniyang ginamit at may signal. Huwag kayo mag-alala tuloy po yung operation namin natukoy na ng mga operatiba yung ibat ibang network na may connect sa loob ng ibat ibang facilities ng Bureau of Corrections,” wika pa ni Gen. Sinas sa Bombo Radyo.