-- Advertisements --

Tinutugis ng mga awtoridad ng gobyerno ang mga sindikato ng droga at hindi lamang mga gumagamit at mga menor de edad na nagkasala ayon sa ulat ng mga opisyal mula sa mga kinauukulang ahensya.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na masasalamin ito sa talaan sa bilang ng mga iligal na droga na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP).

Aniya, ang pinakamalaking nakumpiska ng iligal na droga ay mula sa isang sindikato na may 990 kilos o halos isang tonelada.

Ayon kay Abalos, ang malalaking pagkumpiskang ito mula sa mga sindikato ang dahilan kaya nanawagan siya ng courtesy resignation ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Gayunpaman, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency spokesperson Derrick Carreon na tinututukan na ng kanilang ahensya ang mga “top tier” na mga suspek.

Inihayag ni Carreon na 15,271 high value target na kumakatawan sa mga lokal at dayuhang sindikato, ang naaresto mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 2022.