Isinama na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa requirements ng promotion ang drug testing.
Ito ay para matiyak na walang mga sundalo at civilian employees ang gumagamit ng illegal drugs.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na ang nasabing hakbang ay bahagi ng hakbang ng pamunuan ng AFP na lahat ng mga military camps ay maging drug free work place.
Sinabi ni Arevalo na bukod sa promotion, required na rin ang drug testing sa schooling at pagtalaga sa mga key positions sa lahat ng mga miyembro ng militar.
Babala naman ni Arevalo sa mga sundalong mag positibo sa iligal na droga ay posibleng masibak sa serbisyo.
Pagtiyak ng AFP na hindi selective ang bagong inilabas na polisiya ng AFP.
Aniya, hindi abswelto ang mga matataas na opisyal ng AFP at maging sa Department of National Defense.
Sa kabilang dako, ipinag utos naman ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano sa mga sundalo na mahigpit na sundin ang bagong inilabas na direktiba ng DND.
“I am directing all Soldiers, Airmen, Sailors, Marines, and Civilian Employees of the AFP to affirm their commitment to unconditionally abide by the rules provided in the Department of National Defense (DND) Circular No. 13 or the Comprehensive Drug-Free Workplace Policy,†pahayag ni General Año.
Ang nasabing circular ay inaprubahan mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong July 17, 2017.
“As we continue to support our administration’s thrust against illegal drugs, it is only appropriate that all of us in the Armed Forces of the Philippines are drug-free, and in the best physical, mental, and psychological condition,†wika ni Año.
Binigyang diin naman ni Gen. Ano,” This will ensure that no one in the rank and file of the AFP is a drug dependent. It will manifest that AFP personnel are role models of discipline and propriety as public officers.â€