-- Advertisements --

Mariing inalmahan ng Malacañang ang kumakalat na video na nagtuturo kay Presidential son Paolo Duterte na sangkot sa iligal na droga.

Sa video na kumakalat sa social media na may tag na “totoong narcolist,” inilahad doon ng isang nagpakilalang Bikoy na gumagamit ng dummy account si Duterte para makatanggap umano ng daan-daang milyong piso mula sa drug trade.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa lamang black propaganda ang nasabing video na galing sa mga nais pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang 2017 humarap na rin si Paolo Duterte sa pagdinig ng Senado matapos siyang akusahang sangkot sa drugs smuggling.

Una na ring idinepensa noon ng Malacañang si Paolo Duterte at sinabing biktima lamang siya ng trial by publicity.