-- Advertisements --

Kasalukuyang binubuo na ng PNP Directorate for Operations (DO) at PNP Information Technology Management Service (ITMS) ang isang “Drug war database system.”

Ayon kay PNP Director for Operations PMajor General Val De Leon, ang database ay tatawaging “PNP Drug-Related Data Integration and Generation System (DRDIGS)”

Ito’y magsisilbing “digital library” ng lahat ng datos, intelligence reports, at makabuluhang impormasyon kaugnay ng pambansang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.

Ang bagong sistema aniya ang magiging basehan upang maisagawa “efficiently and effectively” ang mga anti-illegal drug operations.

Makakatulong din aniya ito upang magkaroon ng “real time assesment” ng takbo ng giyera kontra droga na magpapatuloy sa susunod na administrasyon.

Tumutulong din aniya sa pagbuo ng bagong sistema ang Directorate for Intelligence (DI), the Directorate for Police Community Relations (DPCR), Forensic Group (FG), at EOD/K9.