Hindi pabor si PNP chief Director General Ronald dela Rosa sa mungkahi ni Senator Risa Hontiveros na pansamantalang itigil ang kanilang kampanya kontra droga.
Giit ni Dela Rosa, nasa momentum na sila ngayon sa kanilang giyera kontra droga kaya’t hindi siya makakapayag na itigil ito dahil hindi naman lahat ng pulis ay mga scalawag.
Pero agad na nilinaw ni Hontiveros ang kanyang panukala na itigil o suspendihin muna pansamantala ng PNP ang kanilang giyera kontra droga ay sa istilo nang pagpapatupad.
Aniya, nagagamit kasi ang kasalukuyang diskarte ng mga pulis na sangkot sa sindikato lalo na sa kidnap for ransom at robbery hold-up.
Siniguro naman ni PNP chief na may mga ginagawa na silang internal cleansing lalo na sa mga tinaguriang police scalawag.
Gayundin itinataas nila raw nila ang integridad sa pagpapatupad nito.
Samantala buo pa rin ang tiwala ni Dela Rosa na marami pa ring mga pulis ang ginagawa ang kanilang mga trabaho ng buong katapatan.