-- Advertisements --

Nakuha umano ng French drugmaker na Sanofi ang pinakamalaking kontrata sa buong mundo sa paggawa bakuna laban sa COVID-19.

Sinasabing pumasok ito sa kasunduan sa US Federal govenrment na mag-supply ng 100 million doses ng experimental coronavirus vaccine sa halagang $21.billion.

Dahil sa nakakalulang investment ng Trump administration, umabot na sa $8 bilyong dolyar ang naibubuhos nito para makauna lamang sa gamot.

Batay pa sa kontrata, ang Sanofi at partner nito na British pharmaceutical company na GlaxoSmithKline, ay parehong tatanggap ng bulto bultong pondo para sa clinical trials at sa manufacturing ng COVID vaccine.

Ayon naman sa Sanofi kasama sa deal sa US ay may option din sila na mag-supply ng dagdag na 500 million doses

Inaasahang ang kompaniya ay magsisimula sa clinical trials para sa safety test ng gamot sa Setyembre at ang efficacy trials naman ay bago matapos ang taong kasalukuyan.