-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng accounting ang mga Bureau of Corrections (BuCor) sa mga nasamsam na kontrabando sa isinagawang unang galugad ngayong 2020.

Partikular na isinailalim sa inspeksyon ang Reception and Diagnostic Center (RDC), kung saan dinadala ang mga bagong pasok na bilanggo mula sa mga provincial jail.

Kabilang sa mga nasamsam doon ay mga naka pakeng shabu na nasa kahon ng posporo, ilang patalim at pera.

May ilang pang biblia na sadyang tinanggal ang mga pahina upang pagtaguan ng kontrabado.

Nabatid na nananatili sa RDC ang mga bagong pasok na inmate sa loob ng dalawang buwan, bago sila isama sa iba pang nakakulong.