-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tumanggap muli ng tulong ang mga drugs surrenderees sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao.

Inabot mismo ni Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal ang cash assistance at food packs sa mga drugs surrenderees.

Patuloy na minamanmanan ng pulisya, PDEA at LGU ang mga drug surrenderees sa bayan ng Datu Montawal kung tuluyan na ba itong nagbago o kaya bumalik sa paggamit at pagbebenta ng pinagbabawal na droga.

Naniniwala rin si Mayor Ohto at Vice-Mayor Vicman Montawal na pwede pang magbago ang mga ito at mamuhay ng payapa na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay kung kayat patuloy niyang tinututukan at tinutulungan ang mga ito.

Pabala naman ng alkalde sa mga drug surrenderees na nasasangkot parin sa illegal drugs na siguradong may kalalagyan sila sa batas.

Matatandaan na nagpalabas ng shoot kill order si Mayor Ohto sa mga sangkot sa droga na manlaban sa mga otoridad sa kanilang operasyon at tatanggap ng reward money ang sinumang makahuhuli patay man o buhay sa mga drug pusher, druglord at drug protector.