-- Advertisements --

Pumanaw na ang drummer ng jazz group na Kool & the Gang na si George Brown sa edad 74.

Ayon sa banda na dinapuan ito ng lung cancer at nalagutan na ito ng hininga sa isang pagamutan sa Long Beach, California.

Si Brown ang siyang founding member ng banda na tumutugtog ng mga funk, disco at pop na ginagamit sa mga pelikula.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Celebration”, “Jungle Boogie” , “Ladies Night” at maraming iba pa.

Taong 1964 ng binuo niya ang banda sa mga unang miyembro na sina Ricky Westfield at ang magkapatid na sina Ronald Khalis at Robert “Kool” Bell ganun din ang ilang mga kaibagan nila na sina Spike Mickens, Dennis “Dee Tee” Thomas at Charles Smith.

Unang pangalan ng banda nila ay Famous Flames na binuo sa Jersey City, New Jersey kung saan unang tinugtog ng banda ay jaza habang sila ay dumalo sa Lincoln High School.