-- Advertisements --

Binawi na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya nitong payagan ang pagsasagawa ng pilot impelentation o dry run ng face-to-face classes sa piling mga lugar sa buwan ng Enero.

Anunsyo ito ng Pangulong Duterte sa pulong nito sa mga kasapi ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at mga eksperto.

Noong Disyembre 14 nang aprubahan ng presidente ang mungkahi ng DepEd na magsagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang risk ng COVID-19.

Pero ayon sa Pangulong Duterte, ito ay dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom, na sinasabing mas mabilis kumalat o makahawa.

“I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes for children until we are through with this. We have to know the nature of the germ that we are confronting,” wika ng Pangulong Duterte.

“I am canceling the order I gave a few days ago, a few weeks ago to Secretary Briones of the Education Department. To suspend everything, all activities of children, especially ‘yung face-to-face classes,” dagdag nito.

Kagyat aniyang ipatutupad ng DepEd ang atas ng pangulo na kanselasyon sa dry run ng face-to-face schooling sa susunod na buwan.