-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsagawa ng dry run sa national highway sa Kabacan, Cotabato ang lokal na pamahalaan kung saan pinagbabawal na dumaan ang traysikad at tricycle sa national highway.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ito ay bahagi ng nakatakdang pagpapatupad ng LGU-Kabacan sa pagbabawal sa mga traysikad, tricycle at kubota na dumaan sa national highway alinsunod sa kautusan ng DILG.

Maganda ang naging resulta at walang traffic.

Maraming mga drivers at commuters ang umangal ngunit hinangaan naman si Mayor Guzman sa pagsunod sa kautusan ng gobyerno.

Sinabi ng mayor dapat maintindihan ng mga Kabakeños na mayroong wastong paraan upang matugunan ang ang anumang reklamo tungkol sa plano upang maipatupad ang patakarang “walang tricycle at kuboto sa pambansang highway.”

Ang patakaran ay nasa pakikipag-ugnay sa utos ng DPWH na pagbawalan ang mga tricycle na dumaan sa national highway simula Pebrero 15.

“The dry run kicks off to ASSESS the practicability of the said road and traffic plan and to solicit suggestions / recommendation from the people of Kabacan,” ani Guzman.

Ito ay upang matiyak sa lahat ang kanilang nais i-bahagi sa mga isyu at hanapan ng solusyon at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan upang higit pang mapabuti ang pamamahala ng trapiko ng bayan.

Nilinaw ng alkalde na ito ay isang dry run at maaaring mangyari ang pagbabago ng plano kung nakikilahok ang lahat at iparating ang kanilang hinaing, mungkahi at rekomendasyon.